Abot sa 200 overseas Filipino worker (OFW) ang binabantayan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa pag-atake ng Islamist group sa Israel.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni OWWA administrator Arnell Ignacio na daan-daang Pinoy ang nasa Gaza Strip.

Sa naturang lugar umatake ang grupong Hamas, na kumitil sa buhay ng lampas 200 katao.

Sa kabuuan, nasa lampas 24,800 ang Pinoy na nasa Israel.

“Sa kabuuan ng Israel, mayroong tayong mga 24,807. Pero dito sa nabanggit nating area na kritikal dito sa Gaza Strip, ‘yung Ashkelon, Ashdod, Sderot, estimated natin mga 200 OFWs ang meron tayo,” wika ni Ignacio.

Karamihan umano sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa Israel ay mga caregiver o nasa service industry.

Ayon naman kay Ignacio, sa ngayon ay wala pang Pinoy na humihiling na ma-repatriate sila o bumalik sa ‘Pinas. (RP)

The post 200 OFW apektado ng giyera sa Israel first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT