Nasunog ang nasa 22 na bahay sa Velasquez Compound, Brgy. Ilaya, Las Piñas City, hapon ng Lunes.
Nagsimula umano ang sunog sa isang bahay sa looban, ayon kay Supt. Melchor Isidro ng Fire Marshal ng Las Piñas.
Umabot naman sa ikatlong alarma ang nasabing sunog.
Nahirapan naman umanong patayin ang sunog dahil sa masikip na daan.
Halos alas-8 na ng gabi nang idineklarang fire under control ang sunog. Patuloy naman ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.
(CS)
See Related Story Here:
Gilas pinasaya buong Pilipinas – Angara, Go
The post 22 na bahay nasunog sa Las Piñas City first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento