Trending sa social media ang pagpapa-tattoo ng isang 70-anyos ng kanyang sariling address sa Bacolod.

Binahagi ng tattoo artist na si Joey Cabiles ang pina-tattoo ni Lolo Hernando Maturan.

Ito raw ang kauna-unahang tattoo ng senior citizen.

Dahilan daw ni lolo, baka raw kasi maging makakalimutin na siya kaya naman sinigurado na niyang may palatandaan na siya ng kanilang address.

Kung ano man daw ang mangyari sa kanya ay matutunton agad ang kanyang pamilya. (RP)

The post Baka daw kasi maging ulyanin na: Lolo pina-tattoo address ng bahay first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT