Pinuna ni Fr. Joseph Fidel Roura ang pagsusuot ng West Philippine Sea shirt nina Senate President Miguel Zubiri, Senador Bato dela Rosa at Joel Villanueva sa nagdaang 2023 FIBA World Cup.
Sa homily ni Fr. Roura, pinunto nito ang naging eksena ng ilang senador sa naging laban ng Gilas Pilipinas kontra China.
Aniya, ang mga mambabatas na ito ay hindi naman naging aktibo sa paggiit ng karapatan sa West Philippine Sea noong panahon pa ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.
“Marami sa kanila ang tahimik dati nung ang Pangulo ay si Duterte, habang ang China, ligayang-ligaya tayong binu-bully,” saad ni Fr. Roura.
“Tahimik noon, kuda nang kuda ngayon!” hirit pa niya.
Pero saad ni Roura, pwede naman daw bigyan ng chance ang mga mambabatas dahil baka naman daw totoong nagbago na sila ng isip kontra China.
“Sana lang ‘yung pagbabago nila ay kailangan pa at hindi huli na,” wika ng pari. (RP)
Related News:
Senado ililipat CIF sa mga ahensyang totoong dumedepensa sa WPS – Hontiveros, Zubiri
The post Bato, Zubiri, Villanueva dinikdik ng pari sa WPS shirt: ‘Tahimik noon, kuda nang kuda ngayon!’ first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento