Duguan ang mukha ng isang babae matapos siyang sabunutan at sapakin ng isang lalaki.
Sa Facebook post ni Sitong Vasquez, makikita ang isang babae na nakahilata na sa kalsada habang siya ay tila inaabangan ng isang lalaki na tumayo.
Nang tatakbo na ang babae, hinablot ng lalaki ang buhok nito at dito na niya sinuntok sa mukha ang babae kahit na sila ay nasa gitna ng kalsada.
Sa lakas ng suntok, bumulagta pa ang babae sa kalsada.
Matapos naman ang pananakit, umalis kaagad ang lalaki at iniwan na ang babaeng nakabagsak sa kalsada.
Pagkatayo ng babae, makikitang may dugo na ang mukha nito.
“grabe manggulpi si kuya kahit maraming tao…” ayon kay Vasquez.
(CS)
The post Bebot sinabunutan, sinapak sa kalsada first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento