Inaasahan na magkakaroon ng big time rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Para sa gasolina, posibleng bumaba ito mula P2.75 hanggang P3.25 kada litro. Ang diesel naman ay posibleng bumaba mula P2.35 hanggang P2.75 kada litro.
Sa kerosene naman, posibleng bumaba ito mula P2.55 hanggang P2.95 kada litro.
Samantala, matatandaang kamakailan lang ay inaprubahan na ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 provisional jeepney fare hike. Ang pagtaas ay epektibo sa moderno at tradisyunal na jeepney sa buong bansa simula sa Oktubre 8.
Ang nasabing pagtaas ng pamasahe ay dala ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina sa mga nakaraang linggo.
(CS)
See Related Story Here:
Villafuerte itinulak bawas-buwis sa petrolyo
The post Big time rollback sa mga produktong petrolyo, inaasahan sa susunod na linggo first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento