Sinusuri na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang magiging epekto ng nagaganap na giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian group na Hamas sa mga produktong inaangkat ng Pilipinas.
Sa public briefing, sinabi ni DTI Undersecretary Kim Lokin na sa ngayon ay hindi pa nila alam kung gaano kalaki o kaliit ng mga produktong inaangkat ng bansa mula aa Israel kaya bubuo ang ahensiya ng team para tingnan kung ano ang magiging epekto nito sa pagpasok ng supply sa bansa.
“The DTI have has already formed a team to look into this one, and malalaman natin from them because this is a basic consumer concern,” ani Lokin.
Sa ngayon aniya ay hindi pa nila nakikita kung ano ang epekto dahil kasisimula pa lamang ng sitwasyon pero hangad aniya ng ahensiya na matapos agad ang kaguluhan sa Israel .
“We don’t have the data at this time yet to tell you, to be able tell you categorically if this will be able to effect us in terms of goods and products and or services at this time in as much as DTI is concerned,” dagdag ni Lokin.
Kabilang sa mga produktong inaangkat ng Pilipinas sa Israel at asin, sulphur, semento, cerealm harina, starch, sangkap sa paggawa ng gatas at iba pang produkto, oil seed, mga butil at mga prutas. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
Bong Go: Siguruhin kaligtasan ng mga OFW na naipit sa Israel-Palestine war
The post DTI inaalam epekto ng import product sa Israel first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento