Hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang Department of Foreign Affairs (DFA) na sumali sa panawagang dagdag na humanitarian aid sa Gaza.
“There are many Filipinos who have made a life in Palestine. Tulungan natin ang ating mga kababayan pati ang lugar na naging tahanan na nila. No human being deserves to suffer through this violence,” sabi ni Hontiveros.
Iniulat ng DFA na may 131 Pinoy sa Gaza na multi-generational na binubuo ng mga Pinay, na nakapag-asawa ng Palestinians, kanilang mga anak at mga apo.
Bagama’t mayroong humanitarian corridor sa Rafah crossing, dapat tiyakin ng gobyerno sa pamamagitan ng DFA na manatiling bukas ito para sa ligtas na daanan ng humanitarian aid at sa tumatakas na sibilyan.
Sabi pa ni Hontiveros, may 20 aid trucks ang pinayagang makapasok subalit ito sapat para matulungan ang mga sibilyan na kasalukuyang naiipit sa Gaza.
“I strongly urge the DFA to also support efforts that call for more humanitarian corridors. As part of the community of nations, we have a shared responsibility, a commitment to international humanitarian law to protect civilians at all times,” saad ni Hontiveros.
“The situation in Gaza is beyond horrific. As a mother, I cannot even begin to explain the pain of seeing the images of innocent children affected in this conflict. May we tap into our common humanity and do all that is necessary to guarantee all peoples’ most basic right to life,” pagtatapos niya. (Dindo Matining)
See Related Story Here:
Panawagan ng OFWs sa Riyadh kay PBBM: Sana hindi na kami aalis ng bansa!
The post Hontiveros sa DFA: Tulungan mga Pinoy na naiipit sa Gaza first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento