Isang mananaya ang iuuwi ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na nagkakahalaga ng higit sa P147 milyon.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nadali nito ang winning combination na 47-35-02-13-38-17. Makukuha nito ang P147,354,716.40 na halaga ng jackpot prize.
May 40 naman na mananaya ang mag-uuwi ng 2nd prize na P50,000.
Samantala, kamakailan lang ay ang jackpot prize naman sa Lotto 6/42 na nagkakahalaga ng higit sa P34 milyon ang nakuha rin ng isang mananaya.
Nadali nito ang winning combination na 13-41-06-25-34-42.
(CS)
See Related Story Here:
Ang swerte! Isang mananaya nasungkit ang jackpot prize sa Lotto 6/42
The post Isang mananaya nakuha ang jackpot prize sa SuperLotto 6/49 first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento