Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang kaniyang administrasyon ay nananatiling nakatuon sa pagpapatakbo ng Maharlika Investment Fund (MIF) bago matapos ang taon.

“I was a bit alarmed by the news reports early this morning that I read in the newspapers that we have put the Maharlika Fund on hold. Quite the contrary,” ayon kay Marcos sa isang talumpati bago umalis patungong Riyadh, Saudi Arabia para lumahok sa 2023 ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit.

“We are, the organization of the Maharlika Fund proceeds apace, and what I have done though, is that we have found more improvements we can make, specifically to the organizational structure of the Maharlika Fund,” dagdag pa nito.

Kamakailan lang ay sinuspinde ng Pangulo ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng MIF Act of 2023.

Batay sa memorandum order na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nais ng Pangulo na mapag-aralang mabuti ang IRR.

Para naman kay Albay Rep. Edcel Lagman dapat suspendihin ng Pangulo ang implementasyon ng buong MIF law at hindi lamang ang pagpapatupad ng implementing rules and regulations nito.

Sinabi ni Lagman na kulang ang naging pag-aaral sa MIF.

(CS)

See Related Story Here:

PBBM biyaheng Saudi Arabia para sa GCC Summit

The post Isyu sa Maharlika Fund, nilinaw ni PBBM first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT