Ibinuking ng isang netizen ang dahilan umano kung bakit pinaalis ni Sorsogon Gov. Edwin Hamor ang bandang Kamikazee.

Ayon sa Facebook post ni Jonathan Valdez, nag-request umano ng picture si Hamor sa mga banda na magpe-perform sa Sorsogon ngunit ang Kamikazee umano ay ayaw bumaba ng van para sa picture.

Dagdag pa ni Valdez, hinintay pa umano ni Hamor ang nasabing banda sa venue.

“This KAMIKAZE has been my source of stress days before the event for this simple request – hindi sumasagot. Until nag oo na sila 30 minutes before their set. The Gov WAITED FOR THEM to arrive at the venue. Hindi sila bumababa ng van, in my years in the business ngayon lang ako umiyak at nakikiusap na bumaba na sila for the 2 minute picture,”

Inilarawan pa ni Valdez na “DEADMA” ang nasabing banda sa hiling ni Hamor na picture.

“I even told them na singilin nila ako for an additional fee for this, Muntik na akong lumuhod, pero – DEADMA!”

Matapos ang pakiusap sa nasabing banda, lumapit na umano sa kaniya ang assistant ni Hamor at doon na nangyari ang pagpapaalis.

“Until lumapit na ang assistant ni Gov sa akin, “Jo halika, sabihin mo na kay Gov!” – ayun na, they got what they deserved! Pinalayas sila sa Sorsogon at hindi pinasampa. FULLYPAID sila and all their requests were granted even the liquor etc… Binigay lahat and MORE!”

Dagdag pa ni Valdez, ibang level umano ang kabastusan ng nasabing banda.

“Spoke to some people in the industry, isa ang common na sinasabi nila – NAKAHANAP NG KATAPAT ang KAMIKAZE! Hindi ko kayo makakalimutan mga Sers, ibang level ang po kabastusan nyo!”


(CS)

See Related Story Here:

Gov. Hamor imbyerna sa Kamikazee: ‘Hindi tayo puwedeng bastusin’

The post Kamikazee pinaalis sa Sorsogon dahil ayaw magpa-picture? first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT