Naispatan si Kitty Duterte at ang rumored boyfriend niyang si La Salle player Evan Nelle na kasama sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go.

Sa Facebook, nag-post si Sen. Go ng photos niya kasama ang dating Pangulo, sina Kitty at Evan.

Nagsimula ang tsikang in a relationship na ang bunso ni Duterte sa basketball player nang magtuksuhan sa social media sina Kitty and Evan.

“Pagkatapos dumalo sa concert tribute para sa ating mga guro sa MalacaƱang nitong October 1, humabol naman si Senator Bong Go sa dinner ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa Mgyuu restaurant ng owner na si Daniel Mesias sa isang mall sa Taguig City,” sabi sa post.

“Kasama ni Tatay Digong ang anak niyang si Kitty Duterte at ang kanyang doktor na si Dra. Agnes at asawa nito na si Ed na palaging nandyan para sa dating pangulo. As usual, game na game naman na nakipag-picture sina Tatay Digong at Senator Kuya Bong Go sa mga waiter at empleyado ng restaurant,’ saad pa nito.

Tingin ng ilang netizen ay pinakilala na ni Kitty si Evan sa kanyang ama.

“Dapat ganito kapag nakipag date kasama ang tatay ipakilala agad sa magulang hindi ibig sabihin na kayo na, kundi respito narin… hindi yun saan saan nag liligawan lihim pa sa magulang tapos kapag nagkaproblema magulang parin.”

“Bagay sila.” (IS)

See Related Story Here:

Kitty Duterte may matamis na birthday message sa amang si Digong

The post Kitty Duterte pinakilala na rumored BF kay Tatay Digong first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT