Ikinabahala ng isang mambabatas ang mga naglabasang ulat na ang antivirus software na ginagamit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para proteksyunan ang impormasyon ng mga miyembro nito ay one-month subscription lamang.
“Parang trial version lang? Ilang buwan na po ang lumipas nang unang mai-report itong data breach at ang solusyon nila sa problema ay one month subscription ng anti-virus software?” sabi ni AnaKalusugan party-list Rep. Ray Reyes.
Pinuna rin ni Reyes ang paninisi ng PhilHealth sa bagong government procurement guidelines sa pagkabigo nito na ma-renew kaagad ang antivirus software na posible umanong dahilan kung bakit na-hack ang sistema nito.
“The expiry of the antivirus software is on you. Way before it expired, you could have done what was needed to ensure data protection,” dagdag pa ni Reyes.
Naniniwala ang mambabatas na kung ang inuna ng PhilHealth asikasuhin ay ang pagpapalakas ng cybersecurity nito ay maaaring naiwasan ang data leak.
“Inuna nyo kasi ang umento, imbes na antivirus nyo,” sabi ni Reyes.
Batay sa 2022 report ng Commission on Audit, nag-triple ang sweldo ng mga executive ng PhilHealth at mayroon umanong umaabot ng P500,000 kada buwan.
Naniniwala si Reyes na hindi umano deserve ng PhilHealth executives ang dagdag sahod dahil sa hindi magandang performance ng mga ito.
“Ang mandato ng PhilHealth ay pasegurong solusyon sa problemang pangkalusugan. Bakit ngayon puro problema ang bigay nito sa bayan?” dagdag pa ni Reyes. “Hindi kailangang magdusa ng Pilipino, dahil sa kapabayaan laban sa Medusa ng iilang tao.” (Billy Begas)
See Related Story Here:
Pia Cayetano sa PhilHealth, mga ospital: Palakasin processing system vs cyberattacks
The post Mas inasikaso dagdag sa sariling sahod: PhilHealth pinuna sa one-month subscription ng antivirus first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento