Papayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus na gumamit ng EDSA mula alas-10 ng gabi hanggang 5 pm mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 6.

Ipinagbawal ng gobyerno ang mga provincial bus sa EDSA mula noong 2019 at inutusan ang mga operator na mag-pick up at drop off ng mga pasahero sa Valenzuela City at Sta. Rosa, Laguna.

Samantala, nauna nang inihayag ng MMDA ang pagsususpinde ng number coding scheme sa ilang araw sa susunod na linggo.

Aalisin ang number coding scheme sa Lunes, Oktubre 30, araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Suspendido rin ito sa Nobyembre 1 at 2.

(CS)

See Related Story Here:

Bus na may sakay na mga turista nahulog sa overpass, higit 20 dedbol

The post Mga provincial bus papayagan dumaan sa EDSA first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT