Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando Artes ang pagsususpinde ng number coding scheme sa ilang araw sa susunod na linggo.

Ayon kay Artes, aalisin ang number coding scheme sa Lunes, Oktubre 30, araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Suspendido rin ito sa Nobyembre 1 at 2.

Samantala, nag-deploy naman ang MMDA ng 1,400 na traffic enforcers para pangasiwaan ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA at iba pang mga pangunahing lansangan hanggang alas-12 ng hatinggabi.

(CS)

See Related Story Here:

MMDA bet doblehin multa sa jaywalking sa EDSA, C5 Road

The post Number coding suspendido sa Oktubre 30, Nobyembre 1-2 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT