Walang plano ang Malacañang na ideklarang holiday ang October 31.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa harap na rin ng pag-aabang ng publiko kung mag-aanunsyo ang Palasyo para ideklarang holiday ang October 31 dahil naipit ito sa long weekend.
Sinabi ni Garafil na nag-abiso na ang tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi maglalabas ng deklarasyon para gawing holiday ang nabanggit na petsa.
Dahil dito, ang long weekend ay papatak lamang ng Sabado, October 28 hanggang Lunes October 30.
May pasok ang October 31, araw ng Martes at kinabukasan, araw ng Miyerkoles at Huwebes ay pista opisyal ulit dahil sa Undas. (Aileen Taliping)
The post October 31 hindi holiday! – Malacañang first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento