Ang mga inilabas na home loan ng Pag-IBIG Fund ay umabot na sa P88.30 bilyon sa huling tatlong quarter ng taon.

Ang halaga ng home loans na inilabas ay lumago ng halos P5 bilyon o 6 na porsyento kumpara sa P83.31 bilyon na home loans na inilabas sa parehong panahon noong nakaraang taon. Ang halaga ay pinondohan ng 68,211 housing units at ito na ngayon ang pinakamataas na inilabas ng ahensya para sa anumang panahon ng Enero hanggang Setyembre.

“Pag-IBIG Fund remains at the forefront in home financing as it accounts for nearly 40% of the total home mortgages in the country. This shows that it continues to fulfill its mandate, not only by providing affordable home financing to Filipino workers, but also by effectively stimulating the housing industry,” ayon kay Secretary Jose Rizalino Acuzar, nangunguna sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Mula sa kabuuang halaga, idinagdag ni Acuzar na P3.49 bilyon ang inilabas bilang socialized home loan para sa benepisyo ng 8,216 Pag-IBIG Fund members na kabilang sa minimum-wage at low-income sectors.

Samantala, inaasahan naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na mananatiling mataas ang demand para sa home loan ng ahensya lalo na sa huling quarter ng taon kung kailan mas maraming tao ang naghahanap ng home financing.

“Our home loan releases amounting to ₱88.30 billion in the last nine months alone have already surpassed the annual releases since Pag-IBIG Fund’s inception up to 2019. And, by the end of the year, we are optimistic that our home loan releases may even reach ₱130 billion,”

“We thank our members for choosing the Pag-IBIG Housing Loan to achieve their dream of owning a home. That is why we shall do all that we can to maintain our low interest rates so that we can enable more Filipino workers become homeowners under the most affordable terms,” dagdag pa nito.

Sa kabuuan, inaprubahan na ng Pag-IBIG Fund ang P111.35 bilyon na home loans mula Enero hanggang Setyembre para tustusan ang pagkuha ng 83,063 na housing units. Kabilang dito ang P23.05 bilyon na approved loans para sa 14,852 na borrowers.

See Related Story Here:

Savings ng Pag-IBIG members pumalo sa P59.5 bilyon

The post Pag-IBIG home loans umabot na sa P88.3B sa Q3 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT