Balak ng Senado na siyasatin ang sinapit ng tatlong mangingisdang namatay matapos na banggain ng isang foreign vessel ang kanilang bangkang pangisda sa bahagi ng Bajo de Masinloc.

Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, maghahain siya ng resolusyon para maimbestigahan kung sino talaga ang responsable sa insidente.

“It’s a very unfortunate incident dahil sa it’s a fiahermen went there for a living di ba. They ended up dying. So, this unfortunate incident it has ti be investigated thoroughly by the authorities,” sabi ni Dela Rosa.

“Yes magpa-file tayo para maimbestigahan talaga yan kung sino talaga responsible,” dagdag pa niya.

Sabi ni Dela Rosa, malaki ang posibilidad na ang nasa likod ng nangyaring insidente sa mga mangingisda ay kagagawan ng bansang may galit sa Pilipinas.

“Baka yun nga…hindi maiiwasan magdududa yung mga tao baka mamaya registered ng ah sa ibang entity yung ship na yan. Tapos baka mamaya alam mo na yung marumi pag-iisip baka ginamit talaga purposely talaga to i-ram lang yung kwan dahil may galit na sila ating mga fisherman di ba,” saad niya.

“We have to exhaust all available legal remedies to compel them to shed light on that incident para… Meron naman siguro existing laws na nagcocover nyan di ba under international conventions and whatever instruments that we can avail of,” saad ni Dela Rosa.

Kasama sa ipapatawag ng senador ang may-ari ng Pacific Anna, isang oil tanker na sinasabing bumangga sa fishing vessel na sinasakyan ng mga Pilipinong mangingisda. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

3 Pinoy dedo matapos mabangga ng isang unidentified commercial vessel sa Bajo de Masinloc

The post Pagkamatay ng 3 mangingisda sa Bajo de Masinloc tatalupan ng Senado first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT