Biyaheng Saudi Arabia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para dumalo sa 1st ASEAN Gulf Cooperation Council (GCC) Summit na itinakda sa October 20, 2023.
Sa pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu na magiging maiksi lamang ang pagdalo ng Pangulo subalit magiging mahigpit ang schedule nito.
Bukod sa pagdalo sa ASEAN-GCC meeting ay nakatakda ring makipagkita ang Pangulo sa Filipino Community kung saan mahigit 700,000 ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Saudi Arabia.
Layon ng ASEAN-GCC summit na palakasin ang kooperasyon at partnership sa pagitan ng mga bansa sa Asya at mga bansa sa Gulf lalo na sa aspeto ng political security, economic at socio-cultural cooperation, kasama na rito ang usapin sa counter-terrorism, transnational crime, piracy at interpol ng ASEAN at GCC.
“The President will be participating the 1st ASEAn-GCC summit which will be held at he Ritz Carlton hotel on October 20, 2023. It will be short affair but it will be preceded by filipino community meeting,” saad ni Espiritu.
Bukod sa mga dadaluhang pagpupulong ay magkakaroon din ng bilateral meeting ang Presidente sa mga opisyal ng Saudi Arabia at Bahrain.
Kasama rin sa nakalinyang aktibidad ng Presidente ang pakikipagpulong sa Arab business leaders kasama na rito ang Ministry of Investments ng Saudi Arabia na ang target ay makahimok ng mas maraming pamumuhunan sa Pilipinas. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
PBBM admin tututukan food stamp program
The post PBBM biyaheng Saudi Arabia para sa 1st ASEAN Gulf Cooperation Council Summit first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento