Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matagal na silang magkaibigan ni dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Inalala pa ni Pangulong Marcos Jr. ang naging pagsasama nila ni Roxas sa New York.

“Alam nyo po kami ni Mar, matagal na po kaming magkaibigan. At kahit na hindi kami magkapanig kung minsan sa pulitika, eh matagal kaming nagsama sa New York,”

“Sana naman, habang nandito siya, hindi na niya kinukwento yung mga nangyari sa amin nung nasa New York kami dahil bachelor pa po kami at marami kaming adventure na magkasama,” dagdag pa nito.

Nagkita ang dalawa sa pamamahagi ni Pangulong Marcos Jr. ng rice packs sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa Roxas City, Capiz.

(CS)

See Related Story Here:

Mar Roxas papalitan PBBM sa DA? Sandro Marcos pumalag!

The post PBBM, Mar Roxas matagal na nagkasama sa New York first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT