Maagang dumating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Mariano Marcos Memorial School sa Barangay Lacub, Batac City, Ilocos Norte para bumoto ngayong Lunes.
Dumating ang Pangulo sa Precinct 0036A, Cluster number 00036A alas siyete kuwatro ng umaga at agad na inasistehan para sa kaniyang pagboto.
Gaya ng ibang botante, ang Presidente ay bumoto ng kaniyang napiling kandidato para sa punong barangay, pitong kagawad at isang kandidato para sa Sangguniang Kabataan.
Matapos bumoto ay nagpaunlak ng panayam ang Presidente sa media kung saan binigyang-diin nito ang kahalagahan ng barangay election.
Ang mga opisyal ng barangay aniya ng makapagsasabi kung ilan ang maibibigay na boto sa isang kandidato sa national kaya mahalaga ang resulta ng barangay elections.
Hindi lingid kay Pangulong Marcos Jr. ang mainit na sitwasyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections lalo na ang mga naging insidente ng karahasan nitong mga nakalipas na araw kaya ito aniya ang kanilang gustong maiwasan.
“Of all the elected officials, it’s the barangay officials who can actually tell you I will deliver these many votes. Pag sinabi ng mga barangay na magde-deliver ako sa yo ng 350 votes, asahan mo 350 yun totoo yun kayat napakahalaga ang resulta ng barangay election. That’s why sa aming assessment kung minsan nagiging napakainit ang barangay election dahil talagang crucial yan at it is held at a very intimate personal level, that’s why talagang nagkakainitan ng husto kaya’t yun ang ating gustong iwasan,” saad ng Pangulo. (Aileen Taliping)
The post PBBM nakaboto na sa Ilocos Norte first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento