Iba talaga ang ganda at talino ng Pinay!
Isang Pinay na naka-based sa Hawaii na si Meranie Gadiana Rahman ang nagwaging Mrs. Universe 2023 sa coronation night ng 46th Mrs. Universe na ginanap sa Newport Performing Arts Theater noong October 8.
Ni-represent ni Rahman ang Hawaii sa pageant.
Sa Instagram, ibinahagi ni Rahman ang ilang looks niya sa pre-coronation night pati na ang proud moments niya nang koronahang Mrs. Universe 2023.
“FILIPINA MAKES HISTORY AFTER 46 YEARS BY WINNING MRS. UNIVERSE,” sabi sa caption.
Ipinanganak si Rahman sa Misamis Oriental at nakapagtapos ng degree in hotel, restaurant management, and tourism.
Napangasawa niya ang isang pageant coach na si Dr. Iman Rahman, na tubong Pakistan. May isa silang anak na lalaki. (IS)
View this post on Instagram
View this post on Instagram
See Related Story Here:
1 pang transgender pasok sa Miss Universe 2023 pageant
The post Pinay kinoronahang Mrs. Universe 2023 first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento