“Leadership matters”, ito ang nasabi ni dating senador Ping Lacson matapos masungkit ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa 19th Asian Games.
Sa post sa X ni Lacson, ipinunto nito ang kahalagahan ng “leadership”.
“What does Gilas Pilipinas winning the Asian Basketball championship after the team’s pathetic FIBA finish tell us? Leadership matters.”
Tinalo ng Gilas ang Jordan upang matagumpay na iuwi ang gintong medalya.
Bago masungkit ang ginto sa 19th Asian Games, hindi maganda ang itinakbo ng Gilas sa nagdaang FIBA World Cup na ginanap sa Pilipinas at isang panalo lang ang nasungkit nito.
(CS)
See Related Story Here:
Ping Lacson may hirit kay Robin
The post Ping Lacson sa panalo ng Gilas: ‘Leadership matters’ first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento