Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dr. Sanjay P. Claudio, isang dating dean at kasalukuyang quality assurance director ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) bilang miyembro ng PTV4 board of directors.

Si Claudio ay itinalaga bilang kinatawan mula sa sektor ng edukasyon sa PTV4 at inatasan na magsilbing behikulo para ilapit ang pamahalaan sa mga tao upang pahusayin ang kanilang kamalayan sa mga programa, patakaran, at direksyon ng gobyerno

Matapos ang kanyang appointment, nanumpa si Claudio kay Presidential Communication Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil.

Inaasahang maglalagay si Dr. Claudio ng mga bago at makabagong patakaran na magpapahusay pa sa pang-araw-araw na operasyon ng PTV4.

Si Claudio ay kasalukuyang direktor ng PUP Quality Assurance Center, na inatasang tumulong sa PUP sa akreditasyon, pagpapabuti ng programa, pamamahala, mga desisyon sa patakaran, at internasyonal na pakikipagtulungan para sa kalidad ng kasiguruhan.

Si Claudio, na mayroong degree na Doctor in Public Administration, ay nagsilbi bilang dean ng PUP College of Political Science and Public Administration. Siya ay isang career executive service eligible at isang full-time na propesor ng PUP na nagtuturo sa Public Administration department

Siya ay dating pangulo ng Association of Schools of Public Administration in the Philippines (ASPAP). Mahigit dalawang dekada na siyang akademiko at mayroong dalawang master’s degree – sa Public Administration at National Security Administration mula sa National Defense College of the Philippines (NDCP). (Dindo Matining)

The post PUP prof itinalaga bilang PTV4 board member first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT