Nakalaya na si Pura Luka Vega matapos nitong magbayad ng piyansa.

Sinabi ni Manila Police District spokesperson PMaj. Philipp Ines sa CNN Philippines na kaninang 2 pm ay nakalaya na si Vega.

Kamakailan ay naaresto si Vega dahil sa isinampang reklamo sa kaniya ng Hijos del Nazareno-Central.

Batay sa naunang ulat ng pulisya, ang arrest warrant laban kay Vega ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 36 Manila dahil sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act of 2012, na may inirekomendang piyansa na P72,000.

Matatandaang ilang lugar na rin ang idineklara siyang persona non grata. Kaugnay ito sa paggaya niya kay Jesus Christ sa isang party at paggamit ng dasal na ‘Ama Namin’.

(CS)

See Related Story Here:

Frankie Pangilinan sumuporta rin kay Pura Luka, sey ng netizens: ‘Samahan mo sa loob’

The post Pura Luka Vega nagpiyansa, nakalaya na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT