Bukod sa pagiging drag artist ay isa rin palang officer ng Department of Health (DOH) ang nakakulong na si Pura Luka Vega.

Batay sa LinkedIn profile ni Amadeus Pagente (tunay na pangalan ni Pura Luka), nakalagay ang kanyang posisyon bilang senior health program officer ng DOH.

Siya ay nagsisilbi umano bilang secretariat staff ng Philippine Council of Mental Health.

Dumadalo rin si Pura Luka Vega sa mga webinar na isinasagawa ng DOH, katulad na lang sa naging pilot testing para sa ‘Lusog-Isip’ app noong 2021.

Matatandaan na nakulong si Pura Luka Vega sa Maynila noong Miyerkoles dahil hindi umano dumadalo sa mga preliminary investigation sa kasong sinampa laban sa kanya.

Paliwanag ng kampo ni Pura, hindi umano nakatanggap ng subpoena ang drag artist kaya hindi nakadalo sa mga hearing sa Maynila.

Kailangang magbayad ng P72,000 na piyansa si Pura para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang nililitis ang kaso.

Kinasuhan si Pura Luka Vega ng mga Hijos ng Poong Itim na Nazareno dahil sa pag-perform nito na nakasuot ng kapareho ng damit ni HesuKristo. (RP)

See Related Story Here:

MPD naglabas ng mug shot ni Pura Luka Vega

The post Pura Luka Vega tauhan pala ng DOH! first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT