Nasa ilalim na ng Signal No. 3 ang Itbayat, Batanes dahil sa bagyong ‘Jenny’.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang nasabing bagyo sa 270 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes.
Samantala, nasa Signal No. 2 naman ang natitirang bahagi ng Batanes at northern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Island at Calayan Island).
Habang Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng Babuyan Islands, northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Lal-Lo, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam at Gattaran), northern portion ng Apayao (Calanasan, Pudtol, Luna, Santa Marcela at Flora) at northern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, Pasuquin, Carasi, Dumalneg at Laoag City).
(CS)
See Related Story Here:
Flight operations sa Batanes, suspendido dahil sa bagyong ‘Jenny’
The post Signal No. 3 nakataas na sa Itbayat, Batanes dahil sa bagyong ‘Jenny’ first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento