Inaasahan na magkakaroon ng pagtaas ng presyo ang gasolina sa susunod na linggo.

Ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas mula P0.40 hanggang P0.70 kada litro.

Kung ang gasolina ay may pagtaas, ang diesel naman ay inaasahan na bababa mula P0.90 hanggang P1.20 kada litro habang ang kerosene naman ay mula P0.80 hanggang P1.00 kada litro.

Kamakailan lang ay nakaranas naman ng big time rollback sa mga produktong petrolyo.

Matatandaang inaprubahan na ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 provisional jeepney fare hike. Ang pagtaas ay epektibo sa moderno at tradisyunal na jeepney sa buong bansa simula noong Oktubre 8.

Ang nasabing pagtaas ng pamasahe ay dala ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina sa mga nakaraang linggo.

(CS)

See Related Story Here:

Gasolina, kerosene inaasahan na magkakaroon ng bawas-presyo sa susunod na linggo

The post Taas-presyo sa gasolina, inaasahan sa susunod na linggo first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT