Bagama’t may hinawakang dalawang malalaking komite sa Senado, bigo pa ring bumango ang pangalan ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino sa publiko matapos itong mangulelat sa Pulse Asia Senatorial survey.
Sa survey na ginawa noong Setyembre 10-14, si Tolentino, parehong chairman ng Senate Blue Ribbon Committee at Senate Committee on Justice and Human Rights, ay nasa 15-29 na pwesto sa nakuhang 18.2 % voter’s preference.
Kasama ni Tolentino sa naturang puwesto ang mga kilalang “pinklawan” na si dating Vice President Leni Robredo (18.3 porsyento at dating Senador Bam Aquino (18.2 porsyento).
Maging si dating Senador Dick Gordon na tumakbo sa pagka-senador sa ilalim ng tandem ni Robredo at dating Senador Kiko Pangilinan sa nagdaang 2022 national elections, ay sumadsad din sa survey sa nakuhang 18.9 porsyento.
Tulad ni Tolentino, si Gordon ay dati ring pinuno ng Senate Blue ribbon committee at Committee on Justice and Human Rights.
Tanging si Pangilinan, asawa ni Megastar Sharon Cuneta, ang bahagyang nakaangat sa mga “pinklawan” candidates na nasa 9-17 pwesto na may 24.1 porsyento.
Nanguna naman sa survey na may 1,200 respondents si dating Social Welfare Secretary at ngayo’y ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa natipong 68.9 porsyento. Pumangalawa si dating Senate President Vicente Sotto III na may 52.0 puntos.
Nakilala ang “pinkalawan” noong 2022 elections matapos gamitin ni Robredo ang kulay na pink o rosas sa kaniyang presidential run. Ito ay pinagsamang “pink” at “dilawan”, ang term ng mga supporter ng yumaong dating Presidente Benigno Aquino III. (Dindo Matining)
See Related Story Here:
Mga ‘pinklawan’ senatorial candidate laglag sa Octa Research survey
The post Tolentino, mga ‘pinklawan’ nangamote sa senatorial survey first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento