Itinulak ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang paggamit ng moderno at nakabase sa siyensyang pagkuha at pagpreserba ng mga ebidensya sa mga crime scene upang mapanagot ang mga may sala.

Iginiit ni Yamsuan, dating Assistant Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan nakapailalim ang Philippine National Police (PNP), ang kahalagahan na mapangalagaan ang mga ebidensya sa pagbuo ng kaso.

“Out with the old, in with the new. Our law enforcers should ditch outdated crime investigation methods and embrace technology and science in doing their job. This would not only ensure airtight cases against crime suspects, it would help build the public’s trust in police investigations,” sabi ni Yamsuan.

Kasama umano sa mga obsolete technique na dapat ng palitan, ayon kay Yamsuan ay ang paggamit ng paraffin test sa mga indibidwal na pinaghihinalaang nagpaputok ng baril.

Sinabi ni Yamsuan na matagal ng sinabi ng Korte Supreme na hindi matibay ang ebidensyang ito dahil maaaring magkaroon ng gun residue ang isang tao kahit hindi ito nagpaputok ng baril. Hindi na rin umano ito ginagamit sa ibang bansa.

Ayon kay Yamsuan mayroong ulat kung saan sinabi ng Department of Justice (DOJ) na 90-95% ng mga kasong isinampa ng law enforcement sa state prosecutor ay nabasura dahil sa kawalan ng ebidensya at teknikalidad.

Nasa 80-90% naman umano ng kasong isinampa ng piskal sa korte ang nababasura dahil sa kawalan ng ebidensya at teknikalidad dahil sa nagawa ng law enforcer sa crime scene.

Inihain ni Yamsuan at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang House Bill 7975 na naglalayong gawing moderno ang crime investigation methods na ginagamit ng mga law enforcement agency at mapataas ang integridad ng mga ebidensyang gagamitin laban sa mga kriminal.

“The science of criminal investigations should also change to keep up with the rapid pace of modern life, heavy reliance on computers and technology for a wide array of transactions. Keeping up with strategies is significant in the maintenance of peace and order in our society and in the administration of justice,” sabi ng mga may-akd ang panukala.

Sa ilalim ng panukala ay itatayo ang Crime Investigation Modernization Committee (CIMC) na pamumunuan ng kalihim ng DILG. Magiging miyembro nito ang PNP chief, direktor ng National Bureau of Investigation (NBI, at dalawang forensic na itatalaga ng Pangulo.

Ang CIMC ang siyang magsasagawa ng pag-aaral sa mga modernong pamamaraan sa pagsasagawa ng imbestigasyon na angkop sa Pilipinas. Gagawa rin ang komite ng crime investigation manual na gagamitin ng mga law enforcer.

Magpapadala rin ang SIMC ng mga scholar sa ibang bansa upang magsanay sa forensic science at mga kaugnay na larangan.

Ang CIMC ay inaatasan din na magsumite sa Kongreso ng pag-aaral para sa paglikha ng kursong forensic science sa state universities and colleges (SUCs), dagdag pa ni Yamsuan. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Yamsuan: Bawas-buwis sa imported na bigas kalupitan sa lokal na magsasaka

The post Yamsuan itinulak modernong pagkuha ng ebidensya para walang kawala may sala first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT