Tumaas ang bilang ng mga bayan na apektado ng African swine fever (ASF) sa Oriental Mindoro mula nang unang naiulat ang mga kaso sa Roxas at Mansalay noong nakaraang buwan.
Idineklara ni Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor ang state of calamity para sa mga bayan ng Bulalacao, Bongabong, Bansud, Pinamalayan at Naujan.
Nagdeklara na rin ng state of calamity sa kanilang munisipyo si Pola town Mayor Jennifer ‘Ina Alegre’ Cruz.
Ayon kay Mayor Cruz, apat na barangay na sa Pola ang apektado ng ASF at nakatanggap na rin sila ng mga ulat ng mga patay na baboy sa iba pang barangay.
Unang idineklara ang state of calamity sa bayan ng Roxas at Mansalay noong Oktubre.
(CS)
See Related Story Here:
Villar sinita BAI sa importasyon ng ASF bakuna
The post 8 bayan sa Oriental Mindoro nasa ilalim ng state of calamity first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento