Usap-usapan ngayon ang isang video ng lalaki na minura at sinisigawan ang isang fan matapos ang laro ng Ateneo at La Salle.
Sa nasabing video, makikitang may inaaya ang lalaki at minura pa niya ito habang inaawat naman siya ng katabi niyang babae.
Matapos lang ang ilang segundo, makikita naman ang isang fan na nakasuot ng La Salle jersey na sumasagot sa nasabing lalaki.
Sa dulong parte ng nasabing video, makikitang ayaw pa rin tumigil ng lalaki at tila nag-aaya pa rin ito ng away.
Jusko! It’s always the matatanda talaga na naghahasik ng lagim every rivalry day
love love love na sana sa lahat jusko kayo game lang yan!
pic.twitter.com/YfYEcSBmoS
— Earl’s
(@EarlJaredKNOWS) November 19, 2023
Narito ang hirit ng mga netizen sa nasabing video:
“Jusko hindi sana isinasaugali yung school rivalry. Its just a game! Bakit kelangan mauwi sa bullying ?”
“Pikon, talo.”
“The guy with his wife. Ateneans ba talaga? Parang uneducated fans lang.”
The post Away dahil sa laro? Kelot minura, sinigawan La Salle fan first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento