Mabilis na umaksyon ang mga pulis sa Brgy. Mabolo, Cebu para tulungang manganak ang isang babae na sales promodiser.

Kinuwento ni Mabolo Police Station chief PMaj Erano Regidor ang pagdulog sa kanila ng isang konduktor na manganganak na ang misis.

Kinilala ang buntis na si Gleecy Villastev, na nanganak noong Biyernes.

Ayon kay Regidor, dadalhin na sana nila sa ospital ang buntis na babae ngunit napansin nilang papalabas na ang baby nito.

Kaya naman nagtulong-tulong na ang mga pulis sa istasyon para ligtas na maisilang ang baby.

Kaagad namang dinala sa ospital ang mag-ina matapos itong mapaanak sa police station. (RP)

The post Buntis nanganak sa police station first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT