Nasunog ang dalawang warehouse na nagsisilbing imbakan ng mga paninda at mga gamit sa paaralan sa Brgy. Langka sa Meycauayan, Bulacan, Martes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog ng alas-9:00 ng gabi.

Ang mga laman umano ng warehouse ay mga papel at notebook kaya naman mabilis itong nasunog, ayon kay FSupt. Jeannette Jusayan, Provincial Fire Marshal ng Bulacan.

Umabot pa sa ikaapat na alarma ang sunog, na kinakailangan ng nasa 16 na fire truck upang maapula ito.

Napinsala rin ng apoy ang firewall ng isang resort sa tabi ng warehouse at agad na inilikas ang ilan sa kanilang mga bisita.

Samantala, wala namang naiulat na nasawi at hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

(CS)

See Related Story Here:

Opisina ng Comelec sa Sta. Margarita, Samar nasunog

The post Dalawang warehouse sa Meycauayan, Bulacan nilamon ng apoy first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT