Naitala ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes ang 120 na bagong kaso ng COVID-19.
Umakyat naman sa 4,050,883 ang kabuuang bilang ng mga narekober na may 404 na bagong recoveries mula noong Martes.
Wala pang naitalang bagong pagkamatay mula noong Oktubre 27, nananatili pa rin ang bilang ng mga namatay sa 66,736 na kaso.
Ang rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na 14 na araw ay ang National Capital Region na may 664 na kaso, sumunod ang CALABARZON na may 290 na kaso, Central Luzon na may 170 na kaso, Davao Region na may 111 na kaso at Central Visayas na may 98 na bagong kaso.
(CS)
See Related Story Here:
COVID kontrolado na pero kaso ng trangkaso tumataas – DOH
The post DOH nakapagtala ng 120 na bagong kaso ng COVID-19 first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento