Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Brgy. 846, Pandacan, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Umabot pa ito sa ikalawang alarma ngunit nakontrol naman ito ng 9:36 ng gabi.

Ilang bahay ang gawa sa magagaan na materyales kaya naman mabilis itong nilamon ng apoy.

Nasa 30 bahay naman ang nasira ng sunog at tinatayang 60 na pamilya ang apektado.

Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dahilan ng nasabing sunog.

(CS)

See Related Story Here:

Isang residential area sa Malate, Maynila nasunog

The post Isang residential area sa Maynila nasunog first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT