Makakaranas ng pag-ulan sa Palawan dahil sa isang Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), alas-3 ng madaling araw nitong Huwebes, tinatayang nasa 395 kilometers west southwest ng Puerto Princesa City, Palawan ang LPA.
Ang Palawan ay makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat o pagkulog dahil sa LPA, na may posibleng flash flood o landslide dahil sa pag-ulan.
Habang ang Metro Manila naman at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng pulo-pulong mga pag-ulan o pagkidlat at pagkulog dahil sa easterlies at localized thunderstorms.
(CS)
See Related Story Here:
Mga nene kinakandado kapag umayaw sa sex sa mga asawa
The post LPA magdadala ng pag-ulan sa Palawan first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento