Milyon-milyong motorsiklo umano sa Pilipinas ang hindi nakarehistro.

Ayon kay LTO chief Asec. Vigor Mendoza, maraming may may-ari ng motorsiklo ang nakakalimutang i-renew ang kanilang mga registration o nabigo na ilipat ang pagmamay-ari pagkatapos bilhin ito.

“Marami na yang [8.5 million registered] pero mas higit pa diyan ang motorsiklo sa daan. Marami diyan hindi registered up to date.” sinabi nito sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

“Mahina ang doble [sa unregistered motorcycles], we are looking at 16-17 million. Concentration ay sa [National Capital Region], Region 3 and Region 4,” dagdag pa nito.

Binanggit nito na noong 2003, mayroong 38 milyong 4-wheeled na sasakyan at motorsiklo sa kalsada ngunit 13.9 milyon lamang ang nakarehistro, ayon sa datos ng LTO.

(CS)

See Related Story Here:

Lalaking inagawan ng cellphone gumanti, tinangay motorsiklo ng snatcher

The post Milyon-milyong motorsiklo hindi nakarehistro first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT