Inilagay ng Office of Civil Defense (OCD) sa ilalim ng ‘blue alert’ status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos ang magnitude 6.8 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental nitong Biyernes.
Ang ibig sabihin ng ‘blue status’ ay kalahati ng NDRRMC ang naka-standby upang matiyak na may sapat na manpower.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tinamaan ng magnitude 6.8 tectonic earthquake ang Sarangani, Davao Occidental bandang alas-4:14 ng hapon.
Ayon sa PHIVOLCS, dapat asahan ang aftershocks ngunit wala namang banta ng tsunami dahil sa lindol.
Ang malakas na pagyanig ay nagdulot ng pagkawala ng kuryente sa General Santos at sa bayan ng Lebak sa Sultan Kudarat, ayon sa OCD.
(CS)
See Related Story Here:
Rep. Duterte nanguna sa pagsaklolo sa mga binaha sa Davao City
The post NDRRMC nasa ‘blue alert’ status matapos ang Davao quake first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento