Pinatalsik ang CEO na si Sam Altman sa kompaniyang sinimulan niya na OpenAI noong nakaraang Biyernes.
Si Altman ang tao sa likod ng ChatGPT at GPT-4.
“Mr Altman’s departure follows a deliberative review process by the board, which concluded that he was not consistently candid in his communications with the board, hindering its ability to exercise its responsibilities,” saad ng kompanya sa kanilang blog.
Nagpapasalamat umano ang board sa lahat ng kontribusyon ni Altman ngunit kailangan na umano nila ng ‘new leadership’.
Wala pang ibang detalye tungkol sa pagkakatanggal ni Altman ngunit nagpahayag ito sa kaniyang X account.
Ayon sa kaniya, “I loved my time at openai. it was transformative for me personally, and hopefully the world a little bit. most of all i loved working with such talented people. will have more to say about what’s next later. “
Sinundan naman ni OpenAI President Greg Brockam si Altman at inanunsyo rin nito sa kaniyang X account ang pag-alis nito sa kompanya.
Magkasamang itinayo ni Brockam, Elon Musk at Altman ang kompanya walong taon na ang nakakalipas. (Carl Balasa)
The post OpenAI CEO sinuka ng sariling kompanya first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento