“No” votes ang nangibabaw sa plebisito noong Oktubre 30 para sa conversion ng San Jose del Monte, Bulacan sa isang highly urbanized na lungsod, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Batay sa certificate of canvass of votes na inilabas ng Comelec, may kabuuang 820,385 ang bumoto ng “no” sa conversion habang 620,707 ang bumoto ng “yes”.
Sa 2,092,248 na rehistradong botante sa San Jose del Monte, 1,608,004 lamang ang aktwal na bumoto, ayon sa certificate.
Itinakda ng Comelec ang plebisito para sa conversion ng SJDM sa isang highly urbanized na lungsod noong Oktubre 30, sa parehong araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
(CS)
See Related Story Here:
Bulacan rep hiniling payagang makaboto si Tumbado pero tapusin 10 araw na kulong
The post Pag-convert sa San Jose Del Monte bilang highly urbanized city tinutulan first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento