Itinulak ni House Deputy Speaker at Las PiƱas Rep. Camille Villar ang isang panukala upang magkaroon ng pamantayan at matiyak na napoproteksyunan ang mga empleyado sa business process outsourcing (BPO) industry.
Ayon kay Villar, layunin ng panukalang BPO Workers’ Welfare and Protection Act of 2023 (House Bill 9342) na maging patas at maayos ang pagtrato sa mga manggagawa sa outsourcing industry.
“It is imperative to treat the BPO worker in a just and humane manner and ensure that all the rights and benefits of BPO workers are provided for and accorded to them as mandated by the Labor Code. Abusive language, physical violence or any act which debases the dignity of a person shall not be used against the employee,” sabi ni Villar.
Sinabi ni Villar na nagbibigay ng insentibo ang gobyerno, gaya ng tax incentives para dumami ang BPO company sa bansa.
Batay sa pagtataya ng IT and Business Process Association of the Philippines ngayong taon ay aabot sa 1.7 milyon ang manggagawa at P2 trilyon ang kita ng BPO sa bansa.
“With the importance of the BPO industry in the Philippine economy, it is but fitting to establish standards to ensure the safety, well-being and rights of employees working in the BPO sector. BPO workers, who are often working night shift hours and sacrificing their health and time for their families, need protections like occupational health and safety, work-life balance, fair compensation, anti-discrimination, medical and health benefits, transportation perks, and right to self-organization,” sabi ni Villar.
Sa ilalim ng panukala, ang mga BPO company ay pagbabawalan na humingi ng company bond o pagbayarin ang mga empleyado kung aalis ang mga ito bago matapos ang kanilang kontrata.
Ang mga empleyado ay ikokonsidera ng regular pagkatapos ng anim na buwang probationary, training o apprenticeship period. Ang normal na oras na trabaho ay walong oras kada araw at anim na magkakasunod na araw kada linggo.
Dapat bayaran ng overtime pay at night shift differential ang mga ito.
Ang mga lalabag na kumpanya ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P100,000 at/o makukulong ng dalawang buwan hanggang isang taon.
“Kailangan nating pangalagaan ang ating mga kababayan, lalo na ang mga kabataan, na nagta-trabaho sa mga BPO companies nang sa gayun ay masiguro natin ang patuloy ng paglago ng industriya. Higit sa ano pa man, kapakanan ng ating mga manggagawa ang pangunahing responsibilidad ng pamahalaan,” dagdag pa ni Villar. (Billy Begas)
See Related Story Here:
Villafuerte: Mga doktor ayaw ng guarantee letter dahil sa buwis
The post Proteksyon sa BPO itinulak sa Kamara first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento