Inaprubahan na ng US health authorities ang world’s first vaccine para sa chikungunya, isang virus na kumakalat ng mga nahawaang lamok.
Ayon sa Food and Drug Administration, ang bakuna, na binuo ng Valneva ng Europe na ibebenta sa ilalim ng pangalang Ixchiq, ay naaprubahan para sa mga taong 18 pataas.
Ang chikungunya, na nagdudulot ng lagnat at matinding pananakit ng kasukasuan, ay pinakalaganap sa mga tropical at subtropical region katulad na lamang ng Africa, southeast Asia at bahagi ng Americas.
The post US inaprubahan bakuna laban sa chikungunya virus first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento